Thursday, December 23, 2010

Magnifico

MAGNIFICO

I. Tauhan

Jiro Manio - Magnifico; Pikoy
Albert Martinez - Geraldo; Tatay ni Magnifico
Lorna Tolentino - Edna; Ina ni Magnifico
Gloria Romero - Lola ni Magnifico
Danilo Barrios - Miong; Kuya ni Magnifico
Cecilia Rodriguez - Mrs. Doring
Isabel de Leon - Helen; Kapatid ni Magnifico

Girlie Sevilla- Isang
Joseph Robles - Carlo
Mark Gil- Domeng
Cherry Pie Picache- Cristy

Amy Austria- Tessie
Tonton Gutierrez- Mr. Romy
Susan Africa - Pracing
Dindin Liarina- Ria

Allyson Gonzales- Makoy

Ang Scriptwriter

Ang Magnifico ay isang sentimental family-oriented melodrama mula sa Pilipinas, na isinulat ni Michiko Yamamoto S. bilang unang gantimpala sa isang scriptwriting contest.

Ang Direktor

Sa direksyon ni Maryo J. de los Reyes isang batikang director at isa rin sa mga award winning’s at nominado sa iba’t ibang parangal. Maayos at maganda ang pagkakadirek niya sa pelikulang ito. Napakaepektib ng ginawa niya at nagging makatotohanan at sobrang nakakaiyak ang istoryang ito. Kaya masasabi kong isa ito sa pinakamagandang drama na aking napanood. Dahil sa ganda at maayos na kinalabasan ng pelikula ito masasabi kong 5/5 ang direksyon nito.

II. Buod

Si Magnifico ay lumaki sa mahirap na pamilya. Kahit bata pa lang siya ay tinutulungan niya ang mga may nangangailangan. Tumutulong siya sa kanyang pamilya tulad ng pag-aalaga sa kanyang lola at kapatid na may sakit. Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, naging malaking problema sa kanila ang pagkakaroon ng sakit ng kanyang lola. May taning na rin ang buhay ng kanyang lola, kaya sa pagnanais niyang makatulong sa kanyang pamilya gumawa siya ng paraan upang paghandaan ang burol ng kanyang lola. Siya ang gumawa ng kabaong at siya ang naghanda ng kasuotan kapag namatay na ang kanyang lola na may taning na ang buhay. Sinikap niyang tugunan ang pangangailangan ng kanyang pamilya tulad ng kanyang kapatid na babae na pinapasan niya sa likod at ang nakatatandang kapatid na natanggalan ng iskolarship. Marami ang natulungan ni Magnifico tulad nila Ka Doring na galit na galit sa mundo at sina Cristy at Fracing na may tampuhan ngunit sa huli ay nagbati rin. Punumpuno ng kabutihan si Magnifico. Ngunit sa kasawiang-palad ay nahagip siya ng isang sasakyan dahil sa pagliligtas niya kay Domeng. Ito ang naging dahilan ng kanyang maagang kamatayan. Maraming tao ang nakiramay sa pagkamatay ni Magnifico. Ang paghahandang burol para sa kanyang lola ay gimanit para sa kanyang pagpanaw. Ang kabutihan ni Magnifico ay mananatili sa puso at isip ng mga taong kanyang natulungan at nakasama.

III. Paksa

Ang pelikulang Magnifico ay tungkol sa buhay ng isang batang musmos na namulat ang isipan dahil sa kahirapan. Inilarawan dito ang mga pagsisikap at tagumapay, kabutihang loob, bawat pagmulat ng kanyang mata sa mga bawat bagong umagang darating sa kanya at lalong-lalo na ang mga pagbabagong naganap noong kamatayan niya.

IV. Mga Artista

Magnifico (Jiro Manio) ay isang bata mula sa mahihirap na bayan ng Lumban, Laguna, na sumusubok na tumulong sa kanyang mga magulang (Albert Martinez at Lorna Tolentino) sa pamamagitan ng pagtataas ng pera upang ibaon ang kanyang lola (Gloria Romero), na ang naghihingalo ng kanser. Samantala, ang kanyang kapatid na mas matanda (Danilo Barrios) ay nawalan ng kanyang scholarship, at ang kanyang kapatid na babae Ellen (Isabel De Leon) ay naghihirap mula sa pagkakaparalisa.

V. Iskrip

Sa pag-andar ng kwento ipinakikilala ang bawat tauhan ayon sa mga sitwasyong nagaganap. Ang paglalahad ng kwento ay makikita sa pamamaraan ng pagsasalita ng bawat taong nariyon sa isang eksena.

Nagiging dalisay ang takbo ng usapan. At angkop ang bawat damdamin sa mga pangyayaring nagaganap. Mas naiintindihan ang mga ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng magandang paglalahad ng kwento at pagganap ng mga artista dito.

Sa mga halos eksena, ipinapakita ang bawat opinyon ng tao ukol kay Magnifico. Ang pagiging relasyon nito sa bida at ang mga bagay na magpapakita kung sino at ano ba talaga ang bida.

VI. Suliranin/Mensahe

Ang pelikulang ito’y pumapaloob tungkol sa pagkamulat ng isipan ng isang musmos na bata. Ipinapakita dito ang mga pagsubok na dinaraanan niya sa buhay ng kahirapan.

VII. Kasuotan at Kagamitan na Ginamit


Angkop at bumabagay sa kwento ang kasuotang ginamit. Simple pero tugma sa tema ng pelikula. Angkop sa panahon ang bawat kasuotang ginagamit.

Sa paraang maayos at naktitipid, tama lang ang mga gamit na ginamit. Sadyang kapansin-pansin dahil sa pagkakalarawan ng kwento.

XI. Anyo ng Teatro

Simple at angkop na angkop sa pelikula na siyan nagpaganda ng kinalabasan ng dramang ito dahil halos lahat ay bumagay sa tema. Napagukulan din ito ng pansin kaya gumanda ang pelikulang ito dahil din sa set o sa lugar na ginawa ang pelikulang ito.

Tunay na kahanga-hanga ang pelikulang ito. Naging isa sa mga magandang pelikulang nabigayan rin ng pansin hanggang sa ibang bansa.

XII. Ilaw

Ang ilaw ay may pagkamadilim. Sumisimbolo rin ito sa kahirapang angkop at nararapat sa kwento.

XIII. Sinematograpiya

Ang anggulo nito ay nasa ayos at maganda ang mga kuha upang maging makatotohanan.
Ang kalinawan nito sa bawat senaryo ay napakasimple at napakadramatic. Kitang-kita ang lahat ng pagkilos at ang mga bagay na maaring magpagalaw ng pelikula sa paraang makatotohanan at may sistema.

XIV. Tunog


Maganda ang nilapat na tunog kapag ang bida ay umiiyak naging angkop ang tunog nito at naging nakakaiyak.

VIII. Musika

Maganda at mahusay ang musika nito. Bumagay ito sa genre ng pelikula. Si Lutgardo Labad ang naglaga’y ng mga sound effect na pakasimple at dramatic ang mga nilagay niyang tunog.


VI. Panahon

Angkop ito sa bawat panahon. Maayos na nailahad ng editor ang nilalaman ng istoryang ito at napakadramatic ng pelikulang ito. Kung susuriin ang iba pang pelikula, ito na ata ang pinaka malungkot na pelikulang Pilipinong maaaring magpaantig ng puso ninoman.



Source:

-FIL10 (suring pelikula assignment q sa MaPUA)

wala lang gusto ko lang i-post para kahit papano mei makagamit din..

:]

22 comments:

  1. salamat sayo TY di ako nahirapan sa Project Sa Filipino ;)

    ReplyDelete
  2. Salamat hindi na ako nahirapan sa project ko

    ReplyDelete
  3. Thankkk uu natulungan ko bebe ko

    ReplyDelete
  4. Thank you . Eto na sagot sa project ko sa finals.

    ReplyDelete
  5. Sobra po akong nagpapasalamaat thank you po talaga! Nakagawa ako bigla ng project hihi salamaaat poo :)

    ReplyDelete
  6. Salamat po. Nakakatulong sa aking leksyon sa grade 5

    ReplyDelete
  7. super thank you kanina pako naghahanap pero nung nahanap kuto napabilis ako sa paggawa dahil nandito lahat ang kaylangan ko

    ReplyDelete
  8. Thank you for posting this, Napadali Ang pagsagot ko sa aking talakayin

    ReplyDelete